Home

Labels

Tuesday, 18 September 2012

Filipino Jokes

Umuwi si mister nang 4:00 AM at nakita niya ang kanyang misis na may
katalik na lalaki sa kama …
Misis: (sumigaw) SAAN KA GALING?!
Mister: Sino ‘yang katabi mo?
Misis: GRABE KA! HUWAG MONG IBAHIN ANG USAPAN!
............................................
Misis: Dok, kumusta ang aking mister?
Dok: Sorry, po. Mula ngayon, ikaw na ang magpapaligo at magpapakain sa kanya, kasi, putol na ang kanyang mga kamay at paa…
Misis: HAH?! HINDI NGA?!
Dok: He! He! He! Ninerbyos kayo, ‘no?! Joke lang! Patay na siya!
...................................................................
Titser:Pedro, 3+1Pedro: 4, ma’am
Titser:Korek, ikaw naman Inday, 1+3?
inday:Pambihira, yan na nga ba sinasabi ko eh, pag mahirap na yung tanong, ako na lang lagi!!!!
........................................................................
Titser: Sino ang may gustong pumunta sa langit?
Lahat nagtaasan ng kamay pwera lang si Pedro
Titser: Bakit ikaw Pedro ayaw mo?
Pedro: Eh kasi ma’am, pinapauwi ako ng maaga ng nanay ko eh, gagabihin po ba?
.....................................................................
Titser: Class, sino si Jose Rizal?
Juan: Mam di ko po kilala
Titser: Ikaw, Pepe?
Pepe: Di rin po
Titser: Di ninyo kilala si Jose Rizal?
Pedro: Mam baka po nasa kabilang section

No comments:

Post a Comment